Ito ay ginawa naming mga Good Filipino para magbigay kaalaman patungkol sa Bitcoin. Napapanahon na para malaman ng bawat Filipino kung ano ba talaga ang Bitcoin. Pagpasensyahan nyo na lang yung boses na maririnig ninyo. May inilagay naman na subtitle para basahin ninyo.





Ano ang Bitcoin

Marami ang nagtatanong kung ano ba ang Bitcoin?
At marami ring nagsasabi na ang Bitcoin ay isang SCAM!

SCAM nga ba talaga?

Hindi dahil marami nang nabiktima ng dahil sa Bitcoin,
Ay Maaari mo nang ituring na SCAM ang Bitcoin.

Alamin mo mabuti ang Bitcoin?

Ang Bitcoin ay isang uri ng pera.
Tama! Pera po ang Bitcoin, PERO!

Isa itong Digital Currency
Na sa madaling salita ay Virtual Money

Paano?

Una, alamin mo muna kung paano ba magkaroon ng Bitcoin
Sino ang gumawa nito at paano ito naging pera.

Pangalawa, alamin mo kung paano ito gamitin
Saan ba ito pwede makuha

Pangatlo, alamin mo kung dapat magkaroon ng Bitcoin
At para maiwasang mo ma-scam

History ng Bitcoin

Ang Bitcoin ay sinimulang ilabas noong 2009
At si 'Satoshi Nakamoto' ang sinasabi nilang gumawa ng Bitcoin

Ngunit wala pang nakakakita sa kanya hanggang ngayon.
January 3, 2009, unang lumabas ang 10 piraso ng Bitcoin

At napunta ito sa isang developer na kinilalang si
Harold Thomas Finney II, siya ang gumawa ng 'Reusable proof-of-work'

Nagawa ang kauna-unahang Bitcoin dahil sa pag-mina ni Nakamoto.
Pagmimina ang isa sa dalawang paraan para magkaroon ng Bitcoin

Ang pangalawang paraan ay pakipagpalitan ng fiat currency sa Bitcoin.
Pwede mo ipalit ang Peso Money mo sa Bitcoin.

Paano Mag-mina?

Noong 2009 hanggang 2016, magandang mag-mina ng Bitcoin
Gamit ang iyong Computer dahil mababa pa ang kumpetisyon

Makakapag-mina ka gamit ang iyong Computer
Kung mataas na uri ang Video Card nito.

Ngunit, habang tumatagal mahirap na ang pagmimina
dahil tumataas na ang kumpetisyon sa 'cryptography' ni Bitcoin

Paano Makipagpalit?

Maaari kang makipagpalit ng Peso money mo sa Bitcoin
Pero dapat meron ka munang 'Digital Wallet'

Ang Digital Wallet o Bitcoin Wallet ang gagamitin mo para
maimbak, maitago o magamit ang ipinalit mong Bitcoin

Napakaraming uri ng Bitcoin Wallet
Merong paper wallet, apps wallet, o browser wallet

Kapag may Cryptocurrency wallet ka na
Maaari ka nang makipagpalitan ng fiat money sa Bitcoin

Ano ang Cryptocurrency?

Ang Cryptocurrency ay salitang pinagsama na mula sa
'Crypto' at 'Currency'

Dahil ang Bitcoin ay gumagamit ng 'Cryptography'
Para maprotektahan nito ang bawat transakyon sa 'Blockchain'

Ano ang Cryptography?

Ito ay ang pag-aaral o pagsasanay sa protektadong komunikasyon
Mas kilala sa konstruksiyon at pagsusuri ng mga protocol

Ano ang Blockchain?

Ang Blockchain ay isang network kung saan narerecord
ang bawat transaksyon ng pagpadala o pagkuha ng Bitcoin

Dito din nangyayari ang cryptography at pag-verify sa
lahat ng ginagawa sa Bitcoin

Kaya mahalaga ang papel ng Blockchain sa Bitcoin o
iba pang cryptocurrency.

Dahil hindi lang si Bitcoin ang digital currency
Marami pang ibang cryptocurrency.

Scam ba ang Bitcoin?

Hindi Scam ang Bitcoin
Ginamit lamang ang Bitcoin para makapag-scam

Mahirap maging SCAM ang Bitcoin
Hindi mo ito basta basta madadaya

Maraming computer o miners ang nagveveripika
ng bawat transakyon ng Bitcoin

Sa pamamagitan ng Internet pwede ka makapagpadala
ng Bitcoin sa ibat ibang panig ng Mundo

Ang mga miners ang tumutulong para maging stable ang
Blockchain at para gumana ang Bitcoin

Mula 2009 hanggang 2017, ang katumbas na halaga ng Bitcoin
ay umakyat mula zero USD hanggang 20K USD.

Ngayon, June 23, 2019, ang halaga ng 1 Bitcoin ay malapit na
maging $11,000 USD

Dahil sa mataas na halaga ng Bitcoin kaya ito ginagamit
para makapang-Scam

Hanggang dito na muna mga kapya ko Mabubuting mamamayang
Filipino

Mabuhay po tayo! Good Filipino

Post a Comment