Hanggang ngayon hindi pa rin tapos ang bilangan sa Eleksyon 2010. Ang sabi ng Comelec sa lunes pa daw ang pinakafinal na araw para matapos ang bilangan. Pero maiba muna tayo. Ito ay tungkol uli sa Jejemon. Alam nyo ba na may Love Song na ang mga Jejemon! Yes, hindi ako nagbibiro sa inyo, kase may isa dyan na inlove na inlove sa jejemon. 




Ito at pakinggan ang kanilang kanta para sa mga jejemon.

I Luv U Jejemon


Nung ikaw ay makilala
Ako'y napatulala
ang korni mong pumorma
daig mo pang punkista

Akala ko hot ka
Jejemon pala

Di ko maintindihan
ang pinaguusapan
umiikot ang letra
mga symbol sobra sobra
isa lamang ibig sabihin
Jejemon ka

Chorus:
Pero kahit anong sabihin
Kahit lait-laitin
di kita pagpapalit

Kahit akoy ibitin
mahal na mahal kita
I luv u jejemon

ang dami mo nang hater
sa facebook o sa friendster
parang si ampatuan
ikay tinatawanan

ngunit ganyan sila
mahal na mahal pa rin kita
[chorus]



1 Comments

Post a Comment