Fathers Day Tagalog Text Messages

Alam ko kung bakit ka nandito sa page na ito. Naghahanap ka ng Tagalog Fathers Day Message or Text Messages. Sabagay tama ang desisyon mo na magbrowse dito. Ang pagmamahal mo sa tatay mo ay isang malaking bagay na gagawin mo sa buhay mo. Happy Fathers Day to all. Below is the list of a collection of Fathers Day Greetings, Fathers Day Quotes, Fathers Day Messages, Fathers Day Text Messages, Fathers Day Short Messages and Fathers Day Message.

Maligayang bati sa lahat ng mga mabubuting Ama sa buong mundo.

Ang lakas ng isang Ama ay sa Pamilya nagmumula, sa asawang kumakalinga at sa mga anak na sa kanya ay nagpapasaya.

Hindi matutularan ang haligi ng tahanan pagkat ang buhay nila sa pamilya nakalaan

Maagang gumigising ang isang ulirang Ama, para sa kanyang Pamilya na umaasa sa kanya

Ang pinaka importanteng magagawa ng isang ama para sa kanyang mga anak, ay mahalin nitong tunay ang kanyang kabiyak.

Tingin man ng iba sa iyo ay isa kang basura, para sa akin Tatay isa kang biyaya. Mahal po kita Tatay.

Mas mabuti nang maging Ama kaysa mabuhay kang nag-iisa

Istrikto mang kumalinga ang ating mga Ama, sa mabuting dahilan naman kung bakit nya ito ginagawa. Ama mabuhay ka!

Hindi mahalaga kung sino ang aking Ama, ang mahalaga kung ano ang natatandaan ko sa kanya

Papa papa mula pa nung pagkabata, ang malakas mong bisig ang aking naging panangga, hindi ako mababahala pagkat ika'y laging nakasangga.

Isa kang modelo sa aking paningin, ang iyong dinaanan ay syang aking tatahakih, Happy Father's Day

Tatay, ang iyong mga kamay sa aking balikat ay mananatiling sa akin magpakailanman, Happy Fathers Day.

Tatay, panalangin ko sayo'y isang kahong puno ng kaligayahan, buong buhay ko alay lamang sa'yo, mula ngayon, bukas at magpakailanman.

Kahit sino pwede maging tatay ngunit mahirap maging Ama. Maligayang Araw ng mga Ama.

Isa, Dalawa, Tatlo ang sa amin ay sigaw mo, galit man sa amin pinapakita mo, ngunit alam namin sa Puso mo kami'y mahal mo.

Comments or suggestions about "" is important to us, you may share it by using the comment box below.