Your first choice for Battlestar Galactica games online is here!
You are here: Home » Announcement , Showbiz » GMA Kapuso Network celebrates love month this February
Ito sisimulan at pagsasamahin ng GMA sina Regine Velasquez at Dingdong Dantes sa primetime television sa romantic comedy, I Heart You Pare. Ang pinakaaabangang serye na mula sa makulay na mundo ng Club Love, kung saan nagrereyna ang mga drag queen. Ito ay magsisimula sa Pebrero 7 sa GMA Telebabad.
At sa pagsapit ng hapon, Dramarama naman ang magbibida. Mapapanood ng mga Kapuso fan ang mga bagong programa na siguradong kakapit sa kanilang heartstrings: Nita Negrita, kasama sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio; Sisid, kasama sina Jackie Rice at Dominic Roco; at Magic Palayok nina Geoff Eigenmann, Carla Abellana, Nadine Samonte, Angeli Nicole Sanoy at Ms. Cherie Gil.
Sa buong buwan ng Pebrero, siguradong tatangkilikin ninyo ang iba’t ibang Kapuso Month festivities sa pagsasama ng mga Kapuso star at ng kani-kanilang tagahanga sa natatanging panahong ito ng pag-ibig.
Category: Announcement , Showbiz
Subscribe to:
Post Comments (Atom)









