Manny Pacquiao Bumili ng Sariling Eroplano

Sa wakas at masisilayan na ni 8-division world champion Manny Pacquiao ang binili nyang eroplano sa pagpunta niya at nang kanyang pamilya sa Japan ngayon.

Sabi nga sa report, na-deliver na sa Japan galing Germany ang kanilang kabibili lang na European model 32-seater airplane, na wari kung saan nabayaran na umano ni Manny, pound-for-pound king ang kalahating presyo na hindi pa ibinubunyag na talagang presyo nito.

Ngayon nga ay nasa Boracay ang Pamilya ni Pacquiao at tutulak papuntang Japan bukas kung saan dadalhin nito ang kanyang mga anak sa Tokyo Disneyland. Nakipag-picture pa nga raw ang isang actor ng GLEE kay Manny na si Mark Salling.

Babalik naman si Manny Pacquiao sa Pilipinas sa January 8 kung saan sisimulan na nito ang paghahanda para sa pagdepensa ng kanyang WBA welterweight title kontra 3-division world champion Sugar Shane Mosley sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada sa Mayo 7.

Category: News , Showbiz




Subscribe

Enter your email address below to receive updates each time we publish new content..

Privacy guaranteed. We'll never share your info.