No Good Post Today

Ano na nga ba ang nangyari?

Lumipas na ang isang linggo at tila nahinto ang bilangan ng mga taga COMELEC. May naganap na bang dayaan? o hindi pa tapos sa pagbibilang ng mga bayad ng mga mayayamang kandidato nitong Halalan 2010 sa mangilanngilan na walang kunsensyang komisioner ng COMELEC?

May basehan ba ako para sabihin ang bagay na yan? Tingin ko oo. Dahil kung talagang Automated na nga ang Halalan 2010 ng Pilipinas, dapat sana'y tapos na ang bilangan ngayon.

Hindi ko na alam ang dapat pang gawin ng mga Pilipino na naghahangad ng pagbabago sa Pilipinas. Kung mismong COMELEC ay nababayaran, Nababayaran nga ba?

Ayokong husgahan sila dahil wala naman akong sapat na ibedensya na maihaharap sa mangilan-ngilan na komisioner ng COMELEC sa ibang panig ng Pilipinas.

Hay naku... No good post today mga kapatid. Na-aantala ang pag-uupdate ko ng COMELEC OFFICIAL TALLY at kung sino na ba ang nangunguna kila Binay at Roxas.

Category: Personal




Subscribe

Enter your email address below to receive updates each time we publish new content..

Privacy guaranteed. We'll never share your info.