Your first choice for Battlestar Galactica games online is here!
You are here: Home » Halalan 2010 , Personal » Halalan ay isang tambakan ng basura
Malapit na ang eleksyon ng bansang Pilipinas! Hay naku, uso nanaman ang maraming kalat na mukha ng kandidato sa kalsada, kawawa nanaman ang mga basurero. kung iisipin ang magaganap na eleksyon ngayon papalapit na Mayo 10, 2010 ay para din naman isang malaking basurahan.

Kung iisipin ang halalang ito ay pwedeng pwede nating ihambing sa sikat na Payatas dump site o dili kaya sa muling nagpapasikat na Smokey Mountain. Ilang taon na bang natin ginagawa dito sa Pilipinas ang halalan? diba halos pitong dekada na tayong may nagaganap na halalan, subalit sa katotothanan ito ay para pa ring isang basurahan. Kung iisipin ang ating mga kandidato ay parang mga basura, tignan mo ang iyong basurahan, ako'y nakakatiyak na ganyan ang magandang repleksyon ng halalan sa ating bayan.
Masakit isipin diba na ang halalan ay maihahambing sa basurahan, patawad subalit ito ang pinaka magandang batayan. Nasabi ko ang bagay na ito sapagkat marami akong nakikita at nakitang katotohanan sa basurahan at halalan.
Sa kasalukuyan marami ang nagaabang sa darating na halalan, ito ang aking unang nakita, marami ang nagnanais magkaroon ng pakinabang sa darating na halalan. Kung titignan ang tambakan sa metro manila, di pa man naibaba sa tambakan ang basura, ang mga mangangalakal ay magmamadali ng kumuha. Sa payatas at smokey mountain aking nakita ang mga jumpers, sila yaong sumasakay sa mga trak ng basura habang ito'y tumatakbo upang bago pa man ito ibaba makauna na sa mga kalalakal.
Ganito ang mga tao, marami sa ngayon ang ngayon pa lamang ay nag-iisip na at naghahanap ng pwedeng maging kalakal sa halalang magaganap. Kung titignan, ang pinaka masamang mangangalakal ng halalang ito ay ang mga taong gumagamit ng yaman at kapangyarihan upang ang kanilang kapwa ay maikalakal. Ang telebisyon ngayon ay punong ng mga patalastas na gumagamit ng iba't-ibang klase ng kapwa natin, nandyan ang mga batang pinaawit kahit ang mga ito ay di naman sa kanya boboto, andyan na pinupuno nila ng artista ang patalastas. sana namn mamulat na ang marami sa ating mga pilipino na ang halalan ay pagpapasya at hindi pagmamanipula.
Wag nating hahayaang mawala ang kanilng karapatan sa pagpili. wag natin lasunin sa dami ng patalastas ang sambayang walang makain at di sigurado sa kanilang tirahan.
Ikalawang nakita ko ay ang komersyo at kitaan sa tambakan ay katulad din ng sa halalan. Kung titignan ang tambakan natin dto sa metro manila maniniwala ka sa ayaw at gusto mo na may pera sa basura, bakit? sapagkat ito ang totoo. Mula sa pagkakalkal ng basura patungo sa pag-iipon sa sako hanggan nakrating sa junk shop, ang mga kaganapang ito ay makikita din sa halalaln.
Kung titignan ng mainam ang halalan ay isang parte ng ating ekonomiya na maraming pera at yaman ang umiikot sa ekonomiyang pambansa. Laganap na ngayon pa lamang ang paglabas ng mga memorabilia ng isang kandidato. Ang isang pirasong damit kasama ng isang balot ng mga pagkaing pwedeng makakinabangan ng isang pamilya na may bilang na lima sa loob ng isang araw ay halimbawa ng komersyo ng halalan.
Marami sa ngayon ang mga kandidatong bukas ang kanilang tanggapan at dumadalaw sa mga nasasakupan, subalit sa loob ng halos tatlong taon matapos syang iboto noong nakaraang halalan si politiko ay nagpakasasa sa yaman ng lipunan. Ang halalang ito ay isang komersyo sapagkat ang kandidatong may mas higit na kapital ang makatitiyak ng tagumpay, diba?
Paano na lamang ang kaban ng bayan matapos ang halalan, sigurado daig na naman natin ang masunugan. sasaidin nila ang kaban ng bayan at sasabihing naghihihrap tayo at lalasunin ang isipan nating dapat na mangutang sa mga dayuhan. Nawa wag payagan ng Panginoon na ang bansang ito ay mabansagang "kumpiskado ng bangko."
Kumilos tayo ating gampanan ang ating karapatan, wag nating hayaan na ang bansang ito ay maging isang bansa ng mga baon sa utang. Ating itayo ang bansang ito na may pagtingin ng pag-ahon at paglaya sa komersyong halalan.
Bilang pagtatapos ang aking ikatlong nakitang katotohan ay may pag-asa sa basura. Muli bumalik tayo sa iayong basurahan, sigurado ako na ang lahat ng bagay na nasa loob ay dapat ng itapon. Sa dami ng laman ng iyong basurahan siguradong may isa dyan na hindi dapat itapon. Kapatid at kababayan ko sigurado akong sa dami ng mga kandidato sa ngayon ay hindi lahat basura. Hindi lahat basurang politiko na ang mga pangako ay nabubulok na, na habang kanilang binibigkas ang mga pangakong sila rin naman ang hindi na gagawa dala ng hindi talaga nila gagawin, ang mga langaw ay unti-unti na silang kinakain.
Bilang Pilipino, alam ko na ang laman ng basurahan halalang magaganap ay hindi lahat bulok, hindi lahat patapon o pabaon. naririto pa rin ang pag-asa sa aking puso na may mga taong hindi sususkong ibangon ang bansang ito sa lugmok na kalagayan. Alam kong may iilang laman ang basurang halalang ito ng mga taong nagnanais na ang basurang halalang ito ay maging isang mgandang hardin. naniniwala ako na may iilan pang pangalan ang di pwedeng sabihing basura.
Nawa bigyan natin ng pansin ang halalang ito wag nating ibasura ang ating karapatn. sapagkat nasa sa atin din ang kapangyarihang pumili ng mga dapat ibasura at dapat iluklok.
Wag nating hayaan na ang ating kinabukasan ay palitan ng basura nilang mga uupo sa
pwesto. Wag nating hayaan na ang ating yaman at kabataan ay patakbuhin ng isang basura. Wag nating ilagay sa poder ang isang basurang dapat ng ibaon.
By: Reynold Borjal Boringot

Category: Halalan 2010 , Personal
Subscribe to:
Post Comments (Atom)