Ang Pasko ay Sumapit

Ang Pasko (sa igles ay Christmas) ay isang araw ng pangiling sa kalendaryong Kristiyano, na kadalasan ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre. And pasko ay sasapit na naman.

Sa araw na ito ipinagdiriwang ang araw ng kapanganakan ni Hesus. Ayon sa mga mabuting balita ng mga Kristiyano (ebanghelyo), si Hesus ay isinilang ni Maria sa Belen, kung saan ang kaniyang asawa na si Jose ay naglakbay pa upang magparehistro sa Roman Census.

Sa mga Kristiyanong bansa, ang Pasko ay isa sa pinakamalaking araw ng pagdiriwang na may mahalaga kung ang usapang pang-ekonomiya ang paguusapan. Ipinagdiriwang din ito bilang sekular na araw ng pagdiriwang maging sa maliliit na bayan na may Kristiyano.

Ang Pasko ay sumapit na naman at ang lahat ng mga tao ay abalang abala sa kanilang mga ihahanda sa hapag kainan pagtungtong ng alas dose ng gabi. Habang ang iba ay hindi na makapag-intay sa mga regalong kanilang bubuksan. Di ba't napakasaya kung sama-sama ang bawat Pamilya sa araw ng Pasko.

Ngunit hindi lahat sa atin ay may ligaya sa labi tulad nang sayo. Dahil ang iba ay hindi magkakasama sa araw ng pasko. Ang iba naman ay walang pagkaing pagsasaluhan at regalong bubuksan pagsapit ng alas dose ng gabi.

Pero kahit ganun man ang kalagayan ng iba, ang PASKO ay sasapit pa rin at mangingibabaw pa rin ang tunay na kahulugan ng PASKO sa puso ng bawat tao na nagdidiwang nito. Dahil ang Pasko ay sumapit na naman.


Category: Personal , Trivia